20 Years Lakbay Panday

20 Years Lakbay Panday

Ako ay 20 years na sa Pandayan noong Sept. 29, 2023. Blessed and thankful ako kay God na napabilang sa isang natatanging kompanya: kompanyang may pagmamahal sa Kapwa, nasa puso ang paglilingkod at may paninindigan sa tama, isang samahang natututo at nagtuturo. Maraming salamat sa mga Boss dahil ang kanilang liderato at paggabay ang nagbigay sa akin ng tamang direksiyon, inspirasyon at motivation upang maging makabuluhan ang aking buhay at karera. Maraming salamat sa mga aral, karanasan at pagkakataon sa mga nakasama kong GE, SE, ASE, mga Kapwa Probee at Guard. Nagpapasalamat din ako sa aking pamilya na naging inspirasyon ko upang magpatuloy na makamit ang mga pangarap ko sa buhay. Naging malawak ang pang-unawa at pagsuporta nila sa aking trabaho. Minsan dumadating sa puntong hindi ko sila ma-prioritize dahil sa tawag ng tungkulin.
Sa kabuuan ng dalawapung taon ko pong paglalakbay sa Pandayan, patuloy po akong nangarap para sa magandang kinabukasan ng aking pamilya. Hindi po ganun kadali. Maraming pagsubok at pagkakamali sa trabaho. May mga karanasang masaya, malungkot, mahirap at mabigat pero bahagi lang ito ng ating buhay at trabaho. Upang makamit ang tagumpay sa buhay - huwag magsawa sa paggawa ng tama, manatiling disiplinado, magtiwala sa sarili at lumabas sa comfort zone. Mahalin mo ang trabaho at higit sa sa lahat, manalig at magtiwala ka sa Panginoon. Dahil sa pananalig, mananatili sa atin ang katatagan ng kalooban kahit anupamang pagsubok sa buhay.